Thank you for visiting the Women's Education, Development, Productivity and Research Organization.

We are a non-profit collective in the Philippines that protects human rights by defending the rights of women, youth and their communities through gender responsive development programs, projects and activities. Founded in 1989, we build partnerships with government institutions, civil society organizations and the private sector. Learn more about us and what we do.

We are working to archive our earlier projects, research, and publications on this site. Please feel free to contact us for additional information on WeDpro's activities and output.

Rock Ed rocks!

WeDpro would like to gratefully acknowledge Rock Ed Philippines for their donation of a laptop to the organization. Woohoo! Maraming salamat, Rock Ed! Your donation will go a long way towards supporting our daily operations and will probably be used in our new media projects with urban poor women and youth in Angeles and Olongapo. :)

For those of you who don't know about Rock Ed Philippines, they are a wonderful volunteer group working to provide venues and events for alternative education. Learn more about them and what they do.

Statement ng mga Filipino Amerasians sa 2011 Filipino- American Friendship Day

Kami ang United Philipine Amerasians - isang grupong kumakatawan sa mga Filipino Amerasians mula sa mga lungsod ng Angeles, Olongapo, Castillejos, Zambales at National Capitol Region. Kami ay nabuo pagkatapos ng pagsasama –sama sa dalawang araw na kumperensya noong ikalawa hanggang ikatlo ng Hulyo sa Angeles City na may temang “Amerasians: Kaagapay sa Pag-unlad.” Binabati ng United Philippine Amerasians ang mga gobyerno ng mga bansang Pilipinas at Amerika sa pagdiriwang ng 2011 Filipino-American Friendship Day.

Kinikilala namin ang mga kabutihang naidulot ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa buhay ng maraming Pilipino at Amerikano sa Pilipinas at sa iba pang parte ng mundo. Kasama ng pagkilalang ito ang pagpapaalala sa dalawang gobyerno, lalo na sa gobyerno ng Amerika, na ang pagkakaibigan na ito ay nagbunga ng mga supling na ilang dekada ng pinabayaang mabuhay sa iniwang kalsada at pamayanan sa Pilipinas nung inalis ang base militar sa bansa. Kami ang mga supling na inabandona ng isa o parehong magulang at hinahanap ang kalinga ng mga amang Amerikanong sundalo na matagal na panahon nang hindi nakikilala.

Nais naming ipabatid sa gobyerno ng Amerika at Pilipinas ang mga sumusunod:

  • Karamihan sa aming iniwan, lalo na ang mga black Fiipino Amerasians, ay lumaki at patuloy na nakararanas ng diskriminasyon simula ng pagkabata. Ilan sa amin ang nabuhay ng napakahabang panahon na kinukutya at hindi napagkakatiwalaang mabigyan ng oportunidad dahil sa kulay ng aming balat.

    Hinihikayat namin ang gobyerno ng Pilipinas na magsabatas ng isang Anti-Discrimination law na magbibigay proteksyon at gagalang sa karapatan ng tao ano man ang kanyang kulay, lahi at etnisidad. Pansamantala, hinihikayat din ang mga pamahalaang lokal na isa-ordinansa ang isang Anti-Discrimination ordinance upang matugunan ang pangangailangan sa proteksyon ng kanilang mamamayang Amerasians.

    Tinatawagan namin ng pansin ang Department of Education, media at iba pang sector ng lipunan na tulungan kami na paliwanagan ang taong bayan tungkol sa diskriminasyo at mga epekto nito. Samahan nyo kami sa pagbuo ng isang kampanyang kumokontra sa diskriminasyon sa Filipino Amerasians.

  • Ang karamihan sa aming Filipino-Amerasians ay nasadlak sa kahirapan. Ipinanganak ng mga inang naghihirap na sa simula pa lang at iniwan pa ng mga ama. Ang naisilang na henerasyon ay nagmana at nabuhay sa walang hanggang pagdarahop. Marami sa amin ang hindi nakapagtapos ng pagaaral at dahil dito ay hindi rin makahanap ng trabaho. Hiling namin ay maputol na ang “cycle of poverty“ sa amin.

    Tinatawag namin ang pansin ng gobyerno ng Amerika na kilalanin ang mga anak nilang pinabayaan dito sa Pilipinas. Bigyan kami ng suportang moral at pinansyal tulad ng scholarships upang makapag-aral hanggang makatapos ng kolehiyo at buksan ang mga pinto ng oportunidad para makapag-trabaho at maiahon ang sarili sa paghihirap.

    Huwag din sana kami kalimutan ng mga kapwa Pilipino. Tulungan sana ang libu-libong mga Amerasians na inyong kapitbahay, kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapwa botante na umaasa ng suporta upang makatayo sa sariling mga paa. Hinihiling namin na palawakin ang skills training, entrepreneurship programs and micro-finance assistance upang makatulong na makabuo ng sariling kabuhayan ang mga Filipino Amerasians.

    Tinatawagan din namin ng pansin ang business sector at iba pang employers na magbigay ng puwang sa inyong mga opisina, pagawaan o tindahan para sa pagtatrabaho ng Filipino Amerasians. Iminumungkahi naming i-review at i-revise ang “minimum qualifications” ng ilan sa mga trabaho upang mabigyan naman ng pagkakataong makapag-apply ang marami sa aming hindi nakatapos ng pagaaral.

  • Idinudulog namin ang kalagayan ng mga Filipino-Amerasians na nasadlak sa prostitusyon, ipinagbabawal na gamot (o rugby), adiksyon sa alak at pati na rin ang mga nakararanas ng depresyon at problema sa pagiisip. Iba-iba ang kombinasyon ng dahilan mula kahirapan, diskriminasyon at pagsasarado ng mga oportunidad na siyang nagdala sa kanila sa ganitong kalagayan.

    Hinihiling namin na mabigyan ng karampatang serbisyo ng pamahalaan at suporta ng civil society ang ating mga kababayang Amerasians upang masagip sila at mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng bagong buhay.

  • Nais naming ipabatid sa gobyerno ng Pilipinas at ng Amerika na ang mga Filipino-Amerasians ay pagod na ring mamalimos ng awa at pansin. Ilan na ring mga personalidad o grupo ang sa tingin namin ang gumamit at gumagamit sa isyu namin para sa personal na interes. Sa aming pagbubuo ng organisasyon na United Philippine Amerasians kinikilala namin ang pangangailangan na umambag sa solusyon ng aming problema kaya't kami ay makikipagugnayan sa mga institusyon na makakatulong sa aming hanay. Kami mismo ay gagawa ng mga hakbang para maipabatid ang mga oportunidad at serbisyong bubuksan ng lipunan. Ito rin ang magsisilbing samahan na magbibigay ng suporta sa aming kapwa Amerasians.

    Bilang pangwakas, iginigiit namin na ang aming mga nabanggit na kahilingan ay hindi dapat na ituring na limos at hindi namin dapat ilimos pa. Ito ay karapatan namin bilang mga anak ng Pilipinas at Amerika. Nawa'y sa pagdiriwang ng 2011 Filipino-American Friendship Day ay magising ang pamahalaan ng Pilipinas at Amerika sa mga responsibilidad nitong minsang tinakasan at patuloy na ipinagbubulag-bulagan.

    Ipinahayag at nilagdaan ngayong ika-apat ng Hulyo 2011.

    Mga Kalahok:

    1. Deborah Aragon, Angeles City
    2. Jeanette Colocado, Olongapo City
    3. Robert Guardiano, Castillejos, Zambales*
    4. Genevieve Trece, Castillejos, Zambales*
    5. Mc Jerson Gaytos, Olongapo City
    6. Illya Oyas Jr, Olongapo City*
    7. Angelika Anne Smith, Olongapo City*
    8. Catherine Aquino, Olongapo City
    9. April Gomez, Olongapo City
    10. Ashley Claire Descallar, Angeles City
    11. Mark Muega, Angeles City
    12. Martin M. Obong, Angeles City
    13. Mark Gilbore, Angeles City*
    14. Joana Marie Canete, Angeles City
    15. Barry Gregor Wirth, Angeles City
    16. Christine Shane Jackson, Angeles City
    17. Lenires Jones, Angeles City
    18. Brenda Moreno, Olongapo City
    19. Moises Aragon, Angeles City
    20. Margie Sertimo, Angeles City
    21. Eugene Ceguerra, Quezon City
    22. Jessica Cubilla, Angeles City
    23. Anthony Dizon, Angeles City
    24. Alwyne Cahilig, Angeles City*
    25. Domdie Moore, Angeles City
    26. Cristalyn Aquino, Olongapo City
    27. Fri-gel Capua, Olongapo City
    28. Jamaica Bitonio, Angeles City
    29. Michael Morales, Angeles City
    30. Temman Ecler, Angeles City
    31. Melynn Inciso, Angeles City
    32. Mary Ann Riley, Angeles City
    33. Saldi Scoot, Angeles City
    34. Felton Jay Yanson, Angeles City
    35. April Rose Quidet, Olongapo City

    Legend:
    *Kasapi ng Steering Committee

Amerasians in the Philippines Call for Equal Opportunities & Solidarity

Amerasians in Angeles and Olongapo, Pampanga and Castillejos, Zambales have joined hands to promote their rights and called for equal opportunities that will improve their welfare. Converging at a workshop conference with the theme Amerasians Bilang Kaagapay sa Kaunlaran ng Pamayanan (Amerasians as Partners in Community Development), on July 2-3, 2011 at Angeles City, they urged the government, civil society and fellow Amerasians to unite and take action.

“In 1992, the United States military left the Philippines. I thought they took everything with them. But they left behind at least 50,000 Amerasian children whose fathers were American sailors and their mothers were assumed to be prostitutes. These Amerasians are America’s forgotten children,” says Dale Asis, Founder and Executive Director of Bayanihan Foundation Worldwide, one of the organizers of the conference.

Amerasians have long been a marginalized sector in the Philippines, due to the lack of recognition and support from the government and the continuing discrimination that they get from their community.

According to Aida Santos-Maranan, Chairperson of WeDpro, which also organized the conference, “The dust left behind by the US military bases in Subic and Clark, even if it was more than decades ago, has filtered into all aspects of lives in Angeles and Olongapo. The most vulnerable of the youth are the Amerasians who, sired by US military servicemen with their Filipina “girlfriends,” continue to suffer extreme discrimination. A number of them, mired in poverty, hardly completed secondary schooling. What jobs are available for them that are decent and with just wage?”

Because of the various obstacles that they face, the Amerasians gathered to discuss issues that they face and how they can hurdle such challenges. On July 4, the USA’s Independence Day, they marched to declare their commitment in pushing for equal rights and opportunities.

“It’s long overdue—but it’s never too late for people to see us as equals. We should learn to look beyond the color of our skin or who our parents are. Let’s focus instead on how we can work together to achieve a better future,” says Mark Gilbore, an Amerasian from Angeles City.

Aside from Bayanihan Foundation and WeDpro, the workshop conference was also organized by Buklod.

For more information, call or text Igor Dela Peña at 0908.2127155 or 0923.8714655, or email igordelapena@gmail.com.

###

About Bayanihan Foundation Worldwide
With values anchored in bayanihan (community spirit) and pakikipagkapwa-tao (helping our fellows), Bayanihan Foundation Worldwide enables Filipinos to improve their lives in empowering and sustaining ways. Bayanihan’s projects include developing youth leadership, promoting return migration, rectifying the ill effects in the former US military bases, among many others. Visit www.fdnbayanihan.org for more information.

About Buklod Center
Buklod was established in 1987 in Olongapo City and is now one of the most active survivors’ organizations in the country managed by grassroots women. It organizes women and girls in the sex industry, providing education and direct services.

Syndicate content